Honest Review of Z.com (FREE) website
( its not FREE dont Believe sa Ads nila LOL its cheap though compare sa iba)
By the Way this WordPress site is powered by z.com, YES po i was scam by the Ads in Facebook saying na Free website and Free Domain.. yun pagkakaintindi ko sa Ads nila ha hahahaha
So after seeing the ads everyday sa timeline ko i decided to click the link and check kung free nga, they ask to check kung available yung name ng Domain na gusto ko Luckily it was available, then may mga choices dun na pagpipilian kung ano gusto like .com .online .shop etc each domain po eh iba iba ang price so from the list yung .Online ang pinaka mura which is 53 pesos lang
Yan po ang Actual price ng mga domain as you can see from the list yung .online ang pinaka mura at 53 pesos kaya sya pinili ko..
So after this dko na maalala Actually LOL pero i paid 53 pesos through GCASH
Sa Billing ko Its says Quarterly pero PHP 0.00 so wala ata akong babayaran pag dating ng May 18 ( di ako sure sa totoo lang hahahaha)
But my site po is running na i paid 53 pesos lang.. Should i recommend it??? ahhhh yes kung walang budget pero gusto mag ka website, marami pong website hosting na highly recommended and mataas rating but for sure more than 100 php to maybe 2k pesos babayaran nyo
Dun naman tayo sa Negative na napansin ko after mag sign up sa Z.com
Ang pinili ko po pala is yung 1st yung may FREE 0/mo
- 1st negative para sakin sa napili kong hosting plan is yung Username mo is parang BOT ka kasi they will give like jkkjhgfh nagreklamo ako actually sa CS nila but ang respond is automatic daw un na nagenerate ng system kasi pwede nman like User or Admin or yung name mo or they will ask kung ano gustomong username and ang mas masaklap is dmo sya mapapalitan ( nung una Big deal sya sakin pero after a while ok nlang gusto mo FREE dba hahahaha ( di ako sure kung same pag halimbawa pinili mo ibang hosting plan)
- As you can see sa pic ng zero/mo no email po pero they will provide email kaso nga dahil username mo parang bot which is hjjklkll@freewebsiteph.online ang panget gamitin at ishare so ang solusyon is gamitin ko gmail account ko
- Last is after a Year eh 1k PHP na babayaran ko, Actually di ako nabigla kasi may konting background na po ako sa pag gawa ng website and may idea nako sa mga price ng domain, so bakit ko nilagay sa negative kasi walang info or sasabihin nila na after a year eh 1k plus na babayaran mo magugulat ka nlang pag check mo sa panel mo andun na sya hahaha
So far yan palang napapansin ko will update pag may makita pako regarding sa CS nila mabilis silang nag rereply sa question or reklamo mo
Reminders lang po sa mga 1st time mag tatayo ng website:
- Mahirap po sa una i suggest nood kayo youtube pano mag create ng website im using wordpress kasi mas kabisado ko na wordpress
- Dont mind yung 500mb na allocation sobra sobra na po yan kung mag bebenta o mag blog lang nman kayo may nabasa ko may malaki pa daw usb flash drive nya na 1gb LOL, for sure walang idea si sir regarding sa mga hosting ng website
That its for now I hope makatulong po sa inyo to hindi po SCAM yung ads ng z.com hindi rin po ako taga Z.com kung may question comment nalang po .. will update this post pag may makita ako na pwede ishare sa inyo SALAMAT PO..