Product Review Series # 2
Ready ka ba mag pa budol sa galing ng mga nag Live Selling,Bago mo pindutin yung checkout button basahin mo muna to baka maka tulong sayo…
Leuse Blender Honest review based lang po sa experience ko hindi din po ito paid advertisement, share ko lang experience ko sa blender na to..
I Bought my Leuse Blender sa Shopee para sa small business nmin and bakit Leuse napili ko 1st mura sya,2nd kung mapapanood nyo mga live seller malamang mabilis din kayo na makumbinsi na ok yung blender nato, so ok nga ba??
1st Compare muna natin sya sa Mas mahal na branded na Blender na same ang itsura
-
Halos same sila ng Power o Lakas ng pag Blend
-
Yung pinaka Pitcher nito High Quality kahit mabagsak o mahulog alam mong di mababasag agad
-
Pag ginamit mo na wala kang maamoy na sunog o nasusunog
-
Price: Depende sa seller pero nasa 1k+- almost 2k
- Astron Tiktok Shop Link
Leuse 2L Blender ( New Design)
-
Power: Halos same lang ng Mas mahal na Astron
-
Pitcher: Manipis tska Parang malutong sya kaya ingat na wag mabagsak o mahulog
-
1st try pag ON umosok agad motor wala pang 1min na umaandar, nag amoy sunog din
-
Mura compare sa Astron Brand kaya mo bumili ng 2pcs
-
Excellent Customer Service ( Palit agad basta mapakita nyo Proof na nasira item)
- Leuse Mall ( Tiktok Shop)
Kung di nyo problema ang Budget go for Astron or other Branded Brand di kayo mag sisi,pero kung kulang budget goods nman si Leuse basta wag lang over use and kung pang Business i suggest 2 bilhin nyo para di mabugbog yung motor, yung samin na 2 until now gumagana pa nman pero as i say 2 gamit nmin para di mabugbog motor nya kasi mabilis tlaga syang mag amoy sunog,not sure kung sa mga nabili lang nmin pero 2 kasi parehong ganun..
Ang maganda lang sa Leuse Shop mabilis silang mag respond sa reklamo in our case umusok nga buti navideohan nmin so pinalitan nman agad via voucher pero sagot mo padin shipping lalo kung nasa probinsya ka gaya nmin
Fast Forward:
After few days Dumating na replacement so testing agad andun tlaga yung amoy sunog nya sa unang andar and pag matagal mong ginagamit may time na amoy sunog tlaga pero nagana nman..
Dko po sinisiraan Leuse brand base lang po sa experience ko to, I dont say din na stay away from Leuse brand kasi may mga item nman sila na para sakin 10 star Gaya ng DEHUMIDIFIER may review ako nun sa taas ng post nato..
So nasa sa inyo napo kung bibili ba kayo o hindi yan yung na experience ko kung ako tatanungin nyo most probably dina ko bibili..
BTW: if you still decided na bumili ivideo nyo unboxing, 1st try up to 3rd try ng blender para may proof kayo kung sakaling masira nang mapalitan agad…
And yung mga Pitcher pla napapalitan mga Blade nyan kung mapurol o kinalawang na need nyo lang din bumili ng pag higpit nyang tools ( need you yung tools kasi minsan lumuluwag talaga mga blade)
Comment nalang po if may question kayo sana makatulong ako sa pag bili nyo ng blender nato..
#blenderprice#blender#blenderphilippines